Category Archives: Interpretations

Dream Interpretation: Wynna’s dream

Wynna: Nanaginip po ako na isinasama daw ako ng aking ina na patay na,para pumunta at kumanta at tumugtog ng gitara sa ibang lugar,pumayag daw ako pero sa kung anong dahilan hindi daw ako matuloy tuloy dahil wala akong maisusuot.Pinagdadala pa daw niya ako ng bag pero wala nman akong mailagay.May isang kamag anak daw namin ang sumama dahil ndi ako nahintayy ng aking ina.ano po ba ang ibig sabihin nito???
Sent from my BlackBerry device on the Rogers Wireless Network

Continue reading

Dream Interpretation: Jane C’s dream

Jane C: nanaginip po ako na may asawa na po ako tapos isa po siyang negosyante… hindi ko po nakikita ang mukha nang lalake… tapos buntis napo daw ako.. at nag visit po daw ako sa mga rtw shop niya at may kasakasama daw akong babae… di ko rin kilala.. pero sa totoong buhay po single pa po  ako at walang boyfriend.. na concious po ako kung ano ang ibig sabihin nang panaginip ko.. ano po ba ang ibig iparating sakin nito?

Continue reading

Mensahe ng Panaginip (2)

Marami sa atin ang binabalewala lamang ang panaginip na sa akala natin ay isang bahagi lamang ng pangitain natin habang tayo ay natutulog. Ngunit lingid sa kaalaman ng karamihan, ang bawat panaginip ay merong mensahe na nais sabihin sa atin. Maaaring ito ay kasagutan sa inyong kinakaharap na problema o di man kaya ay mga suhestyun na dapat niyong gawin para sa ikabubuti ng inyong buhay.

Emily Tampal: Naniniwala po ako sa sinabi niyo dahil bata pa lamang ako nakakaranas na ako ng ganitong paniwala. Nakikipag-usap po ako sa patay pero sa panaginip lang po at nakakakita din po ako ng mga engkanto at nakapaghuhula din po ako at dalawang beses din po ako nakagamot ng may sakit. May katanungan lang po ako na di ko masagot. May lalaki nagpakita sa panaginip ko na maging asawa ko daw.

RS: Maraming salamat sa tiwala Emily. Isa kang mapalad na nilalang na nabigyan ng ganyang abilidad mula sa Kaitaasan. Hindi biro ang kakayanan na nakikipag-usap sa mga patay sa panaginip at ang kakayanan mong makakita ng mga espiritu Kung ano ang mensahe sa yong panaginip tungkol sa lalaking yung mahal ay malaki ang posibilidad na magkatotoo ngunit yan ay depende pa rin sa iyong kalayaan na magdesisyon.

Karen Ocampo: Last month 1 whole week laging may tubig- dagat o baha lagi pong ganun. Minsan po nakasakay ako sa bangka, yung dagat sa reality national road po yun, tapos ang lalaki ng alon, yung bangka tumatalon. Second, may baha nakatingin lang po ako. Paulit ulit po.

RS: Nais sabihin sa iyong panaginip na kailangang harapin mo ang anumang unos sa iyong buhay, malalim man ang dagat o malalaki man ang alon na dumarating sa iyo. Tignan mo ring mabuti ang direksiyon na iyong tinatahak sa buhay.

Mensahe ng Panaginip

Marami sa atin ang binabalewala lamang ang panaginip na sa akala natin ay isang bahagi lamang ng pangitain natin habang tayo ay natutulog. Ngunit lingid sa kaalaman ng karamihan, ang bawat panaginip ay merong mensahe na nais sabihin sa atin. Maaaring ito ay kasagutan sa inyong kinakaharap na problema o di man kaya ay mga suhestyun na dapat niyong gawin para sa ikabubuti ng inyong buhay.

Bagaman, may mga panaginip na nagbababala sa anumang masamang mangyayari, maituturing naman na ito ay isang mensahe na dapat bigyan ng espesyal na atensiyon lalu na kung ang epekto nito ay hindi lamang sayo kundi sa maraming tao. Maaaring ito ay panaginip ng trahedya o kalamidad na maaaring kumitil sa buhay ng marami. Ang ganitong uri ng panaginip ay tinatawag na “precognitive dream.” Ang maaaring gawin ng nakapanaginip ay ihayag sa sinuman kung ano ang kanyang nakita sa panaginip paniwalaan man nila o hindi. Kahit paano ay nakapagbigay ka ng babala para makapaghanda, dahil sa maraming pagkakataon sanhi ng meron tayong tinatawag na free will ay ayaw tayong pakinggan sa sinasabi natin.

May panaginip din na nakikipag-ugnayan sa atin ang mga namayapa nating mahal sa buhay na kung iisipin natin ay imposible dahil sa nasa kabilang buhay na nga sila at kaluluwa na. Lingid sa kaalaman ng karamihan na sa pamamagitan ng pagtulog ay maaaring makipag-ugnayan ang mga espiritu tulad ng mga kaluluwa, nature spirits (engkantada, dwende), mga anghel, mga santo, at maging ang Panginoong Diyos. Ang paliwanag dito ng mga eksperto, aktibo ang subconscious mind natin habang tulog ang pisikal nating katawan. Ito rin ang pagkakataon sa mga negatibong espiritu na sumasalakay kung kaya’t lagi kong ipinapayo lalu na sa mga sensitibong tao na magdasal bago matulog o kaya ay bigyan ng sapat na proteksiyon ng liwanag ang buong katawan at kaluluwa. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng dasal para bigyan ka ng proteksiyon, at ang iba naman ay ginagawa sa pamamagitan ng meditasyon. Isinasaisip ang pagbaba ng liwanag mula sa kalangitan at babalutin ang buong katauhan.

Ngunit ang mga pagkakataon na may nakakausap ka sa panaginip ay hindi na talaga panaginip yun dahil sa ang kamalayan mo ay nasa labas na ng iyong katawan. Ito ang tinatawag na Out of Body Experience (OOBE) o astral travel, ang isang proseso na lumalabas na sa katawan ang bahagi ng iyong kaluluwa at kamalayan. Ang anumang makikita mo sa paglabas ng iyong kamalayan sa iyong katawan ay maaaaring ma-interpret ng iyong utak paggising mo bilang panaginip ngunit sa katotohanan ay talagang naranasan yun habang tulog. Batay sa pinakahuling pag-aaral ng mga siyentista sa misteryo ng pagtulog, 3 hanggang 4 na beses na lumalabas ang ating kamalayan sa buong linggo.

Ngunit sa pangkalahatan, ang mga nakikita sa panaginip ay pawang mga simbolo na merong mensahe na dapat nating pakinggan. Bihira lamang na literal ang kahulugan ng panaginip. Bagaman malaking tulong sa atin na malaman natin ang kahulugan ng panaginip sa pamamagitan ng mga nababasa nating libro tulad ng dream dictionary at iba pa, mas mainam na komunsulta kayo sa mga nakaka-intindi sa mga simbolo ng panaginip. Sa totoo lang, kayo din mismo na nanaginip ang makakaalam ng tunay na mensahe ng inyong panaginip. Ang payo ko sa lahat, kailangan may talaan kayo kun ano ang nakita niyo sa inyong panaginip o kilala sa tawag na “dream journal” para may giya lo guide sa kung ano ang ibig sabihin ng iyong panaginip.

dreams

The Meaning of Dreams (Based on Intuition)

Dreams can be interpreted based on the dreamers emotions, state of mind and spiritual vibrations. Normally, images are symbolic though there are others we consider as prophetic o precognitive dreams.

The following interpretations are based on shared dreams of my readers especially during my columns written in Filipino language or ‘tagalog’ dialect.

You can share your dreams and we’ll try to interpret them to the best we could based on your experiences in the dream world.

Continue reading

Kahulugan ng mga Panaginip

Kahulugan ng mga Panaginip
Rey T. Sibayan
March 13, 2006

Marami sa ating mga kababayan ang nagkakainteres na malaman kung ano ang kahulugan ng kanilang mga panaginip dahil sa naniniwala silang ang panaginip ay nakatutulong ng malaki sa buhay ng isang tao.

Oo, nakatutulong ang panaginip dahil sa pamamagitan nito ay may pagkakataon na nalulutas ang mga problema, bukod pa sa ito rin ang paraan para maka-ugnayan ang mga namayapang mahal sa buhay at ito rin ang pagkakataon na makita ang kabilang daigdig sa pamamagitan ng astral travel o out of body experience.

Ang panaginip ay salamin ng kundisyong mental, at emosyonal ng isang tao na nakakaapekto rin ng malaki sa kanyang kalusugan sa pisikal na pangangatawan.

Ang panaginip sa aking pagkakaunawa ay isa ring paraan para makita mo ang kahinaan ng iyong katauhan lalu na ang pagharap sa anumang pagsubok sa buhay.

Gayunman, ang interpretasyon sa panaginip ay walang iisang kahulugan dahil sa ito ay depende sa taong nanaginip. Ibig sabihin, ang karaniwang nababasa nating kahulugan ng panaginip sa mga aklat ay hindi ang eksaktong kahulugan nito kundi pahapyaw lamang na interpretasyon lalu na at karaniwan ang panaginip ay simboliko at hindi literal ang ibig sabihin.

Sa abot ng aking nalalaman at kakayanan ay sisikapin kong mabigyan ng kahulugan ang inyong mga panaginip, lalu na at marami sa ating mga kababayan ang nagtatanong kung ano ang ibig sabihin ng kanilang panaginip – masama man ito o hindi.

Tanong ni Lara Joy ng Paranaque City: Nabasa ko po ang inyong kolumsa Balita kaya interesado din po akong magtanong tungkol sa aking panaginip. Palagi po kasi akong nananaginip na bundok na pinipilit ko pong akyatin hanggang sa isang beses daw naakyat ko ang tuktok ng bundok. Ano po ba ang ibig sabihin ng aking panaginip, gusto ko pong malaman sana matulungan niyo po ako.

RS: Nais ipabatid sayo ng iyong panaginip na wag kang susuko na sagupain ang anumang pagsubok sa iyong buhay lalu na para maabot mo ang iyong tagumpay. Balang araw ay makakamit mo rin ang tagumpay at magbubunga ang iyong sakripisyo at pagtitiyaga. Bagaman, sinasabi ng iyong panaginip na talagang mahihirapan ka na maabot ang iyong nais ngunit sa bandang huli ay magtatagumpay ka pa rin. Wag lang magmadali na akyatin ang bundok para hindi mahulog.

Tanong ni Riezel ng Taytay, Rizal: I often dream of people whom I don’t know and after a while, I come to interact with them. May mga situation din na I dreamed of at madalas ding mangyari. Deja Vu raw ito. Pero kasi madalas mangyari ito. Ano po bang ibig sabihin nito?

RS: Tama ka ng sinasabi mong ito may mga panaginip kang ito ay Deja Vu ngunit kadalasan ang panaginip mo ay “predictive” na nangangahulugan na ipinapakita sayong panaginip ang mangyayari pa lamang sa hinahanap na ikaw mismo ay nasa ganung sitwasyon. Ibig sabihin ay meron kang mahalagang dapat na gampanan sa naturang sitwasyon at ipinapakita lamang sayo para meron kang advance na impormasyon o ideya na ganun ang kakaharapin mong sitwasyon sa yung buhay.

Tanong ni Vicky: I always dream of going to a certain place but when I try to leave, I couldn’t find my way home. I continue to dream of it even long after my husband has died.

RS: I would see your dream as trying to get out of a situation but can’t find solution to a problem. Nahihirapan kang makalabas sa naturang sitwasyon marahil ito ay makaugnayan sa pagpanaw ng iyong mahal na asawa. Maaaring hanggang ngayon ay hindi mo pa rin matanggap na sumakabilang buhay na ang iyong asawa o di man kaya ay maaaring sa alam mo ay tanggap mo na ngunit hindi pa rin ito lubos na tanggap sa kaibuturan ng iyong puso. Subukin mong talikuran ang lahat ng iyong kalungkutan, hinagpis at kabiguan sa buhay at harapin ang magandang kinabukasan na punung-puno ng pag-asa.

Tanong ni Rhea: Ano po ba ang kahulugan ng panaginip ko na mga bampira na tinatakot ako pero di naman ako takot sa kanila. May ibig sabihin po ba yun? Kasi lagi ako nakakapanaginip ng ganun.

RS: Kung paulit-ulit mong napapanaginipan ang isang sitwasyon ay nais ipahiwatig sayo ng iyong panaginip na kaya mong harapin ang anumang pagsubok sa buhay. Ingatan mo din ang mga taong naiinggit sayo, bagaman kayang kaya mo naman silang harapin.

Tanong ni Weng Barloso: Tanong ko po nanaginip ako na nakasakay ako sa bangka sa karagatan.

RS: Hindi mo binanggit ang kabuuan ng iyong panaginip. Ngunit ang panaginip sa isang bangka sa gitna ng karagatan kung ito ay nakalutang lang ay nangangahulugan na hindi mo alam kung ano ang ano ang tinatahak na direksiyon ng iyong buhay. Kung may direksiyon ngunit nasa gitna ka ng karagatan ay malayo pa ang tatahakin mong landas patungo sa iyong paroroonan para makamit ang tagumpay.

Sana kahit paano ay nasagot ko ang inyong mga katanungan tungkol sa inyong mga panaginip. Nais ko lamang sabihin sa inyong lahat na mabuting maglaan kayo ng isang notebook o kuwaderno na mapagsusulatan ng inyong panaginip. Ito ang magsisilbi ninyong “dream journal.”

May mga pagkakataon kasing ang panaginip ay predictive o maaaring mangyari sa hinaharap ay magagamit mo itong basehan kung gaano katagal na napanaginipan mo to hanggang sa dumating ang araw na ito ay nangyari na sa iyong buhay o sa buhay ng tao sa mundong ito.